BUONG PAMILYA NAMATAY SA PAGKAKAKURYENTE

Sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan, lima ang patay sa pamilya ng Colarco matapos makuryente sa loob ng kanilang bahay. Ayon kay Superintendent Roland Sacyat, Malasiqui police chief ganap na alas 8 pasado ng gabi natapuang nakahandusay ang mga katawan ng mag-asawang sina Ariel Colarco at Rochelle Mendoza at kanilang mga anak na sina Gieann, Henry at Michael sa sahig ng kanilang bahay sa Barangay Bacundao East.


Ayon sa imbestigador posibleng dumikit ang alambre sa nakasaksak na appliance sa dingding habang gumagawa ng sampayan si Rochelle sa loob ng bahay.


Sapagkat natagpuang may hawak na alambre si Rochelle at si Ariel na nasa dulong bahagi ng alambre kasama ang isa pang anak. Maaari ring sinubukan ng dalawa pang anak na hilahin ang kanilang ina na naging sanhi rin ng kanilang pagkamatay.
Previous
Next Post »