PAGPAPAUWI SA 8,000 UNDOCUMENTED OFW SA SAUDI TULOY NA

Alam naman nating kapag Saudi, hindi ganoon kadali ang pagpapauwi sa ating mga OFW.  Kadalasan pa nga, mas matagal magpauwi ng patay kaysa sa buhay.  May prosesong dinadaanan ito.  Kapag buhay, kailangang may exit clearance mula sa kanyang employer at saka lamang siya mabibigyan ng exit visa.


Kadalasan pa namang ito ang panggigipit na ginagawa ng mga employer na tinakasan ng kanilang mga manggagawa. Hindi lamang mga Pilipino, kundi pati na ibang lahi. Ang mga ganitong sitwasyon ang patuloy na ipinapakipag-usap ng ating mga opisyal ng embahada sa pagpapauwi sa mga Pinoy doon. Sino ba naman ang gustong manatili at nagtatagal pa sila roon kung wala na rin namang trabaho? Kung maari ngang plane ticket lang ang solusyon diyan, matagal nang ginawa ito ng gobyerno.


Ngunit may mga kahiligan pang dapat silang isumite sa Saudi government dahil katulad ng kasong “absconding” o pagtakas sa amo, ipinagbabawal iyon sa batas ng Saudi. Bukod pa sa kasong “overstaying” o pananatili ng wala nang legal na dokumento.

At ngayon sa Administrasyong Duterte sinubukan nila ang lahat ng paraan upang makipag-ugnayan sa hari at masettle lahat ng dapat ayusin. Nakipag-usap si Sec. Bello upang bigyan na ng kalutasan ang problema ng higit walong libong OFW sa Saudi. Ayon sa mga nagtatrabaho doon, makakauwi na ang OFW na walang trabaho doon bunga ng masidhing pakikipag-usap ng Gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ni Sec. Bello.



Previous
Next Post »