Pulitiko at pulis na dawit sa droga sa Region 12, isasapubliko ni Digong

Ipinauubaya na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubunyag sa publiko sa listahan ng mga pulitiko at mga pulis na nauugnay sa ipinagbabawal na gamot sa Region 12.


Ito ang sinabi ni Police Chief Supt. Cedrick Train, Director ng Police Regional Office 12 na may hinahawakan na silang listahan subalit patuloy pa nila itong iniimbestigahan.

Kinumpirma din nito na may mga pulis ng sumuiko at inamin sa kanya na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Dagdag pa nito na may dalawang mayor sa South Cotabato ang sinasabing protector ng illegal drugs.

Sa panig naman ni Police Senior Supt. Maximo Layugan, Director ng General Santos City Police Office na walang pulitiko sa GenSan na nauugnay sa ipinagbabawal na gamot.


Unang sinabi ni GenSan City Mayor Ronnel Rivera na nararapat lamang na mag-resign ang pulis o pulitiko na nauugnay sa ipinagbabawal na gamot.

Previous
Next Post »