Ayon sa kanila hustisya ang kanilang hiling at hindi benipisyo.
Galing pa sa kanilang mga probinsya tulad ng Ifugao province, ang panibagong naghain ng reklamo laban kay Former Pres. Aquino sa Ombudsman. Naging emosyonal ang mga kamag-anak ng SAF44 sa paghingi ng hustisya para sa kanilang namatay na myembro ng kanilang pamilya.
Limang pamilya na ang naghain ng kaugnay na reklamo at ayon sa Volunteers Against Crime and Corruption Legal Counsel na si Ferdinand Topacio asahan pa ang pagdami ng mga kamag-anak ng SAF44 na maghahain ng reklamo sa Ombudsman. Idiniin ni Atty. Ferdinand Topacio na hustisya ang kanilang hanap para sa mga nasawing myembro ng SAF44 sa masaklap na naganap na operasyon sa Mamasapano Maguindanao.
Nanawagan siya kay Ombudsman Conchita Carpio Morales kung sino ang kanyang papanigan ang taong nagluklok sa kanya sa pwesto o sambayanang Pilipino,
ang katotohanan daw ba o ang pagtatakip sa pangyayari.