Mahigit 75 bilyong dolyar na ang kabuuang utang ng Pilipinas.

Ito, ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno ang dahilan kayat wala sa kanilang plano ang mangutang ng pondo sa mga dayuhang financial institutions.


Sakali anyang mangailangan ng dagdag na pondo ang gobyerno, maaari rin silang mangutang subalit sa mga bangko o financial institutions lamang sa loob ng bansa.

Gayunman, sinabi ni Diokno na bukas ang pamahalaan na pag-aralan ang pangungutang sakaling mayroong mag-alok ng pautang sa mas mababang interes.

Aabot sa 3.3 trillion pesos ang hinihinging budget ng Duterte administration para sa 2017 na kasama ang pagbabayad ng utang sa international institutions.


Tinatarget ng pamahalaang Duterte na malaki ang maibabawas nito sa budget bawat taon upang mabawasan ang kabuuang utang ng ating gobyerno.

First