MGA KAHULUGAN NG IYONG PANAGINIP...


MULTO (GHOST)

Ang multo sa panaginip ay nagpapahiwatig ng mga bagay na di maaring mangyari o mga pangarap o nais na di na maaabot. At nagsasaad din ito, na kailangan mo ng mag-move on.
Kung sariling multo mo ang nakita mo sa iyong panaginip ay simbolo ito ng pagkatakot mula sa masamang ala-ala o pangyayari. At nagpapahiwatig na ikaw ay desperado, gagawin ang lahat upang makatakas mula sa isang sitwasyon di mo nais.
Sa iyong panaginip kapag ang nagkita mo ay multo iyong kamag-anak ngunit buhay pa, tulad ng iyong magulang, nagpapahiwatig ito ng babala o panganib na dapat ay ikaw ay mag-iingat sa iyong mga kakilala. Ngunit, kung multo na namatay mo ng kamag-anak ang nakita mo sa iyong panaginip ay simbolo naman ito ng panghihinayang sa mga bagay na nais mo pang mangyari ngunit di na maari.

BULAKLAK (FLOWER)

Ang Bulaklak (Flower) sa panaginip ay simbolo ng kagandahan at kasaganahan,
Ang pagkuha ng magaganda at mababangong bulaklak ay nagpapahayag ng tagumpay sa buhay.
Samantala, ang pagsasama-sama ng magagandang bulaklak upang makabuo ng isang “bouquet” ay nagpapahiwatig ng isang magandang kasal.
Ngunit, kung lantang bulaklak naman ang iyong napaginipan ay nagpapahiwatig ito ng malubhang karamdaman o kamatayan.
Spiritually,  ang bulaklak ay simbolo ng  pag-ibig at habag,  na maibibigay mo o matanggap mo mula sa iyong mahal sa buhay.

ULAN (RAIN)

Panaginip tungkol sa ulan ay isang simbolo ng pagbabago at spiritual cleansing.
Ang ulan, simbolo ng banal na pagpapala at revelation. Ito ay nagdudulot ng tungkol sa pagkamalikhain at paglago.
Ang ulan na may kasamang kulog at kidlat sa panaginip, ayon sa “the dream book of Vanga” ay isang paghahayag ng kalooban ng Diyos. Kung ang isang tao ay natatakot sa mga bagyo, ito ay nangangahulugan na siya ay may ginawang kasalanan sa buhay at kailangan itong itama.
Ulan na may katamtamang lakas ay simbolo ng kasiyahan at parating na tagumpay.
Ulan na malakas at may madilim na ulap ay simbolo ng pagkabagabag dahil sa iyong problema.
Ngunit, kung wala namang pinsala o pagkawasak dulot ng malakas na ulan sa iyong panaginip, simbolo ito ng paglago (profits), awa at pagpapala.
Ulan na may pagbaha at maruming tubig ay nagpapakita na ikaw ay nagtatampisaw sa iyong mga negatibong emosyon. Maaaring paalala rin ito sa iyo upang maglaan ng oras para sa sarili upang malinawan ang pag-iisip at matagpuan ang internal peace.
At kapag nanaginip ka ng ulan, ikaw ang nagre-release ng tension at stress dahil ang ulan ay simbolo rin ng ating emosyon.
At maaari rin namang paalala ito sa iyo na baka ikaw ang nagbibigay ng pagkabagabag sa iba dahil sa iyong pagiging demanding, katarayan, at pagiging matigas ang ulo.
Sa mga babae ang panaginip na ulan ay pagre-release ng sexual desires.
Sa mga lalaki naman ay maaaring ay simbololo ng pag-unawa ng kanyang sarili at lalo na sa damdamin ng kanyang partner.
Ang ulan ay isang positibong simbolo panaginip , na nagpapahiwatig na natagpuan mo na ang solusyon sa iyong problema.


SLEEP PARALYSIS O WAKING NIGHTMARE

SLEEP PARALYSIS o Waking Nightmare: Paano ito maiiwasan at ano ang gagawin upang magising agad?
Naranasan mo na ba na kakatulog mo pa lang pero bigla kang magigising na parang may humahatak sa’yo o nakadagan sa iyong dibdib? Alam mo ang nangyayari sa palagid mo, pero di ka makakilos o makapagsalita. May nakikita kang nakakatakot sa paligid o tabi mo, parang multo, demonyo o masamang espiritu. Gusto mong sumigaw upang humingi ng tulong pero walang lumalabas na boses? Gusto mong gumalaw pero parang nakatali ang buo mong katawan.

Ang tawag dito ay sleep paralysis.

Ang sleep paralysis ay isang common sleep condition. Kahit na ito ay nakakaalarma, HINDI ITO MAPANGANIB o masasabing MEDICAL EMERGENCY.
Ang pinaka-common na nangyayari sa episode ng sleep paralysis ay ang walang kakayahang kumilos o magsalita.

GAANO ITO KATAGAL?

ITO AY MAAARING TUMAGAL NG ILANG SEGUNDO HANGGANG 2 MINUTO. Kadalasan, tumitigil ito ng kusa o kaya naman kapag may tatapik o gigising sa iyo.

PAANO ITO MAIIWASAN:
1. Bawasan ang stress
2. Regular na mag-ehersisyo, pero huwag bago matulog
3. Matulog ng sapat. Magkaroon ng sleep schedule
4. Kung may sakit, siguraduhing naka-track ang oras ng iyong pag-inom ng gamot
5. Alamin ang side effects ng mga gamot na iniinom upang maiwasan ang ilan sa mga side effects nito, tulad ng sleep paralysis.

ANONG GAGAWIN KAPAG NARANASAN ITO:

1. Huwag labanan. Kapag pinilit mong labanan, lalong lalala ang pakiramdam na may mabigat sa dibdib. Kalmahin ang sarili kahit natatakot.
2. Igalaw ang mga daliri sa paa. Kadalasan ay sa dibdib, tiyan at lalamunan ang apektado ng sleep paralysis. I-focus ang buong atensiyon sa paggalaw ng mga daliri sa paa. Mabisa itong pampagising.
3. Ibuka at isara ang kamao. Parang technique sa #2
4. Controlled breathing. Kadalasan kapag nasa sleep paralysis ay nakakalimutan nating huminga ng maayos dahil sa sobrang takot. Ikontrol ang paghinga. Inhale, exhale upang makalma ang paghinga. Mababawasan nito ang chest pains
5. Magdasal. Pinakamabisa!
6. Umubo. Dahil hindi ka makakasigaw, subukan mong umubo hanggang ikaw ay magising
7. Sumimangot o lukutin ang mukha na parang nakaamoy ka ng mabaho. Gawin ito 3 beses hanggang magising.
PAGKAGISING, HUWAG MATULOG ULIT upang hindi magtuloy ang sleep paralysis. Buksan ang ilaw, maghilamos at uminom ng tubig.
Previous
Next Post »