NABISTONG DRUG DEN SA ILALIM NG TULAY

Sa Binondo Manila ang clearing operation ng mga nakatira sa ilalim ng tulay ay nauwi sa operasyon kontra droga. Nabisto nila na may drug den sa ilalim ng tulay samantalang nasa ibabaw nito ang istasyon ng pulis.


Ang layunin ng clearing operation ng City Hall ng Maynila ay upang tanggalin ang informal settler doon at linisin ang ilog upang madaluyan ng maayos ng tubig.


Subalit ng gibain ang mga bahay, nakita nila doon ang ilang drug pharapernalia at ilang gramo ng hinihinalang shabu.

Kasunod pa noon ay aksidenteng nahuli si Robert Rejio na matagal nang nasa watch list ng mga kapulisan dahil sa pagbebenta ng shabu sa mga vendor at tricycle driver at ginagawang pwestuhan ang bahay nila sa pagbibisyo.

Agarang pinatalsik ang Chief of police sa nasabing lugar sa kadahilanang nasa taas lamang sila ng drug den at di nila nalaman ang transaksyon doon na nagaganap.

Previous
Next Post »