NATAGPUAN NA ANG BAHAY NA PAGMAMAY-ARI NG DRIVER NI SEN. DE LIMA

Ang tinutukoy umano ni Pres. Duterte na kalaguyo ni Senator Leila De Lima ay ang kanyang driver na si Ronnie Dayan. Ayon sa huling panayam kay De Lima may mga totoo sa sinabi ni Pres. Duterte ngunit ang pagkasangkot nya sa droga ay hindi totoo, ngunit wala na syang pagdedepensa tungkol sa ugnayan nila ng kanyang driver at sa halip ay nanahimik na lamang ito.


Natunton ng reporters ng GMA news ang bahay ni Ronnie Dayan sa Urbiztondo, Pangasinan ngunit ng kanila itong puntahan ni walang taong humarap sa kanila at sa halip ay kahol lamang ng aso ang kanilang nadidinig. Sa kanilang panayam sa kapitbahay na Tiyuhin ni Ronnie, kinumpirma nya na iyon nga ang bahay ng driver ni De Lima subalit itinanggi nyang galing ito sa droga. Malapit naman sa kanyang bahay ay may puting bahay na diumano ay niregalo rin ni Senator De Lima sa kanyang driver.


Ayon sa tiyuhin ni Ronnie na si Alfredo, maayos naman ang pagsasama ng mag-asawa. Sa kabilang panayam kay Sen. De Lima hindi raw sa kanya ang sinasabing puting bahay.

Ayaw naman magpainterview ng iba pang kapitbahay at maging ang opisina ng barangay ay walang tao. Sabi ng Chief of Police ng Urbiztondo madalang lamang napupunta doon si Ronnie at nalaman din ng mga reporter na noong 2014 ay nasampahan ng kaso ang nasabing driver dahil sa pagwawala at pagpapaputok ng baril sa isang handaan ng kanyang kamag-anak ngunit ito ay nadismiss na rin.
Previous
Next Post »