LALAKING NAMARIL PAGKATAPOS IREKLAMO SA BARANGAY

Pinaghahanap na ng mga kapulisan ang suspek na si Allan Contreras sa alegasyong pamamaril na ikinasawi nina Dave Abello at ang kanyang live in partner na si Jessie Tolero na pinagbubuntis ang kambal na sanggol.


Sa isang kuha sa CCTV camera noong nakaraang Byernes palabas na ng barangay hall ng Minuyan, San Jose Del Monte, Bulacan ang tatlo ng biglang tinutukan ng baril ang lalaki at binaril, kasunod noon ay ang kasama nitong babae. Mabilis na sumakay ng motorsiklo ang suspek upang tumakas.


Ayon sa kapitan ng barangay ang mga biktima ay nagreklamo dahil sa pagpapaputok ni Contreras ng baril hindi nagkasundo ang magkabilang panig, ang susunod na kanilang paghaharap ay darating na Aug.12 subalit ganito na ang nangyari.

Sinabi ni Police Senior Inspector Joel Alba na napakadelikado ang suspek sapagkat ito ay armado ng baril kaya nagsasagawa sila ngayon ng manhunt operation laban sa suspek
Previous
Next Post »