ISANG TAONG GULANG NA BATA NA SINASAKTAN NG YAYA, NAHULI-CAM

Isang yaya na nahuli-cam na sinasaktan ang isang taong gulang na bata sa Marikina City. Ayon sa ulat ni Oscar Oida ng GMA News "24 Oras" nitong Huwebes ipinakita  ang mga kuha sa CCTV camera habang sinasaktan ang batang alaga habang pinapatulog. Kinilalang ito ay si Karen Garcia.


Sobra ang awang naramdaman ng ina ng bata habang pinapanood ang video kung paano sinasaktan ang anak. Sinabi nya na, "Noon nakikita ko lang sa iba sa TV na may ganun, naawa nga po ako. Tapos ngayon sa sariling anak ko biglang gaganunin sa dibdib, masakit po, masakit,"


Napansin nya na may ibang ikinikilos ang bata sa tuwing siya na ang nagaalaga sa gabi. "Kapag may nakita siyang ibang tao, kaunting mapalakas lang boses mo natatakot na siya; 12 midnight hanggang 5 am iiyak," kuwento niya. Idinagdag pa nya na, "Iniisip ko na tuwing itu-turnover ko pala sa kanya anak ko parang hell pala 'yon sa pakiramdam ng anak ko 'di lang makasabi."

Ipinaaresto na si Garcia pagkatapos sumangguni ang pamilya ng bata sa barangay, hindi nagpahayag ng anuman si Garcia dahil sa hindi na nito naitanggi ang ginawang pagmamaltrato sa bata.
Previous
Next Post »