NAGPADALA NG 500M PESOS SI PRES. DUTERTE SA MGA OFW SA SAUDI

Ayon sa balita ng Saudi Arabia press, Si Pres. Rodrigo R. Duterte ay nagpadala ng grupo sa Saudi upang magbigay ng pinansyal na suporta para sa mga Pilipino na hindi nakakasweldo sa Saudi, ito ay nagkakahalaga ng 500M pesos (SR40 million) sa Saudi Oger.


Ang nasabing pera ay ipapamahagi sa libu-libong Filipino OFW na naapektuhan, ang bawat isa ay makakatanggap ng 20,000 pesos at 6,000 pesos para sa kanilang pamilya. Ipinaparating din ng pangulo ang kanyang lubos na pasasalamat sa pagboto sa kanya ng mas nakararami.


Ang Saudi OFW community ay may galak na tinanggap ang tulong mula sa gobyerno. Ayon kay Saidali Malic, Duterte Middle East Movement secretary na hindi kayang isalarawan ang saya ng mga OFW sa magandang balita na dala ni Sec. Bello.

Previous
Next Post »